latest news

oneSTore Hub, ilulunsad sa San Fernando City

Tuesday, July 26, 2016 12:57 AM    Views : 583by:DOST-Region 1

Sa unang pagkakataon, ilulunsad ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya o DOST ang oneSTore Hub sa lungsod ng San Fernando sa ika-25 ng Hulyo, alas-nwebe ng umaga bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Siyensya at Teknolohiya o National Science and Technology Week na magsisimula sa ika-25 hangang 29 ng Hulyo.

Ang oneSTore ay nagsimula noong Hulyo 2015 sa pangunguna ng DOST na naglalayong pausbungin at palawakin ang mga produkto ng mga Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs na tinutulungan ng DOST dito sa bansa.

Sa pamamagitan ng paglikha ng website na "http://onestore.ph", maitataguyod ang umaabot na 10,000 na produkto ng mga MSMEs bagkus, magbibigay ng mas madaling paraan para sa mga mamimili ng pangmasang on-line shopping.

Sa nakaraang Press Conference noong Hulyo 8 ng ahensiya, binigyang diin ni pagtatatag ng oneSTore Hub ay magsisilbing imbakan ng mga produkto ng mga MSMEs dito sa rehiyon uno mula sa pakikipag-ugnayan sa isang negosyante na si Mr. Anacleto M. Zamoranos.

Dagdag ni Alexander Apostol, oneSTore Coordinator, mas mapapabilis na ngayon ang pagbili at deliber ng mga produkto ng mga MSMEs dito sa rehiyon uno sa pagkakaroon ng oneSTore Hub. Bukod dito, mas makikilala ang mga produkto ng mga MSMEs hindi lamang sa naturang lungsod gayundin, sa iba't-ibang lugar sa bansa.

"Ang sinumang may nais mamili ng produkto ng mga MSME na nasa malayong lugar ay maaari ring bumili sa pamamagitan ng pagbubukas lamang ng oneSTore.ph sa internet. Kapag nakapili na, puwede ng bayaran sa pamamagitan ng credit card o debit card," aniya.

Pagkatapos magbayad, maaari na itong ipadala sa buyer sa pamamagitan ng Air21, bilang katuwang ng Hub sa pagdedeliber ng mga produkto. Ayon pa kay Apostol, ang produktong inorder ay aabutin ng tatlo hanggang limang araw. Samantala, kapag ang produkto ay manggagaling pa sa malayong probinsiya, labing limang araw ang hihintayin ng buyer.

Ang oneSTore Hub ay matatagpuan sa Lingsat, San Fernando City, La Union at inaasahang dadaluhan ng mga kinatawan ng DOST, Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas o Department of Trade and Industry, Sangguniang Panlungsod ng San Fernando, midya at iba pa sa pormal na pagbubukas nito.

Source: http://region1.dost.gov.ph/20-featured-articles/103-onestore-hub-ilulunsad-sa-san-fernando-city

S & T Trivia

" Architect Eddie Urcia, a Bicolano who owns a bicycle factory in Brunei, invented and patented the world's fastest bike with 48-gear combinations. "

Online Resources
© copyright 2012 www.science.ph. All rights reserved.

Login