latest news

Libreng pneumonia vaccination para sa senior citizens sa Marikina

Thursday, June 28, 2012 08:18 AM    Views : 612by:Remate Online
pnemonia

UPANG mabigyang proteksyon ang mga nakatatanda o senior citizen ng Marikina laban sa sakit na pneumonia ngayong panahon ng tag-ulan, mamamahagi ang lokal na pamahalaan ng Marikina sa pamamagitan ng Office for the Senior Citizens' Affairs (OSCA) at City Health Office (CHO) ng libreng bakuna para sa mga ito upang makaiwas sa naturang sakit.

Inaasahang sa ika-2 ng Hulyo ay sisimulan na ang pamimigay ng libreng bakuna sa mga senior citizens mula sa 16 na barangay ng lungsod.

Tinatayang 6,000 senior citizens ang mabibigyan ng nasabing bakuna.

Upang mapagkalooban ng libreng bakuna, ang mga nakatatanda sa bawat barangay ay kinakailangang sagutan ang adult vaccination card na ibibigay sa mga ito.

Sa araw ng bakuna, kailangan lamang dalhin ang naturang adult vaccination card at valid senior citizens' ID.

Ayon kay Rodolfo De Guzman, ang Officer-in-Charge ng OSCA, maaaring tumagal ng hanggang limang taon ang bisa ng nasabing bakuna.

Sa susunod na taon, iba namang senior citizen sa lungsod ang makakatanggap ng bakuna.

"Nais natin na sa pamamagitan nito ay makatulong tayo piling senior citizen na walang kakayahang pangpinasyal upang magpabakuna at mapanatiling malayo sa sakit na pneumonia," wika ni Mayor Del De Guzman.

Para sa petsa ng pagbabakuna sa bawat barangay, maaaring makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng Office for Senior Citizens' Affairs sa numero bilang (02) 646-2367.

Source:http://www.remate.ph/2012/06/libreng-pneumonia-vaccination-para-sa-senior-citizens-sa-marikina/

S & T Trivia

" Camilo M. Tabalba, a Filipino engineer, headed a team to make the telephone electronic in 1970. By 1975, he published his findings, including the development of the dynamic transducer (a transmission circuit replacing the carbon transmitter). His work helped in the development of the modern Touchtone phone. "

Online Resources
© copyright 2012 www.science.ph. All rights reserved.

Login