latest news

Tagalog news: Kabataang South Cotabateño hinikayat na kumuha ng kurso sa TESDA

Friday, July 20, 2012 06:00 AM    Views : 621by:Ugnayan,com

May siguradong trabahong naghihintay sa mga magtatapos ng mga kurso at pagsasanay sa Technical Education and Skills Development Authority (Tesda).

Ito ang binigyang-diin ni Secretary Joel Villanueva sa kanyang talumpati sa pagtatapos ng 13th T'nalak Festival at 46th Foundation Anniversary ng South Cotabato kung saan panauhing pandangal ang kalihim.

Nauna na nitong sinabi sa panayam bago ang kanyang talumpati na abot sa 60.9 na porsiyento ng kanilang mga graduate ay agad nakakakuha ng trabaho.

Mas mataas aniya ito kung ikukumpara sa karamihan ng mga kolehiyo sa ilalim ng Commission on Higher Education.

Sana, ayon sa kalihim, mawawala na ang pag-iisip na ang susi ng tagumpay ay nakasalalay lamang sa pagtatapos sa kolehiyo dahil sa TESDA ang bawat pagsasanay at bawat kurso ay may naghihintay na trabaho.

Iniulat din ni Sec. Villanueva na sa 2011 – 2012, abot sa P17 milyon ang halaga ng scholarship na kanilang naibigay sa mahigit 1,500 na kabataan sa South Cotabato. Mas dadami pa ito ngayong taon dahil may inilaan na P1.6 bilyon si Pangulong Benigno Aquino III para sa mga out-of-school youth.

Iniulat din niya na nangako ng P1 milyon si Senator Pia Cayetano para sa techvoc scholarship sa mga kabataang South Cotabateño.

 

Source:http://ugnayan.com/ph/SouthCotabato/Koronadal/article/25YC

S & T Trivia

" The 22-watt reflectorized circular lamp was built in a wooden box by Eduardo Sta. Ines. The auxiliary is a plastic diffuser and a stainless-steel reflector that gives a bright and wide illuminator. "

Online Resources
© copyright 2012 www.science.ph. All rights reserved.

Login