latest news

Tagalog news: Patuloy na suporta sa global branding ng T'nalak siniguro ng DOST

Friday, July 20, 2012 07:24 AM    Views : 555by:Danilo E. Doguiles

Tiniyak ni Department of Science and Technology (DOST) 12 Regional Director Zenaida Laidan na magpapatuloy ang kanilang ayuda para sa Kenhulung Handicraft Federation Inc., ang grupong may gawa ng T'nalak upang maging kaakit akit ito sa pandaigdigang merkado.

Kahapon, ipinakita sa publiko ang elegante at "world class" na packaging box na paglalagyan ng produktong T'nalak ng nasabing grupo na sumasailalim ngayon sa country branding ng Industrial Technology Development Institute.

Ayon kay Laidan kasalukuyang sumasailalim ang Kenhulung Handicraft sa programang MPEX o Manufacturing Productivity Extension for Export Promotion na naglalayong mas mapabuti ang kalidad ang produkto para maaaring maipagbili sa ibang bansa.

Kabilang sa tulong ang libreng konsultasyon sa mga eksperto, tulong teknikal, business audit, training, tulong pinansyal at pagbuo ng produktong tutularan o prototype.

Maliban pa dito, bibigyan din sila ng tulong hinggil sa pagkakaroon ng angkop na teknolohiya pati na ang mga makinaryang magpapabilis at magpapatingkad sa kalidad ng produktong T'nalak.

Tiniyak din ni Laidan na bagama't bibigyan ng makinarya ang grupo, sisiguruhin nilang mananatili ang integridad ng kultura at tradisyon ng T'nalak na gawa ng mga lumad na T'boli.

Tutulungan din nila ang grupo na makahanap ng merkado sa kanilang produkto kabilang na ang pagsali sa T'nalak sa Mindanao cluster MSME trade fair na magaganap sa lungsod ng General Santos sa Oktubre.

Source:http://ugnayan.com/ph/SouthCotabato/Koronadal/article/255E

S & T Trivia

" In 1971, a team was led by Dr. Emerita V. de Guzman in making the first makapuno (coconut mutant for delicacies) harvest from a test tube. A student at the University of Santo Tomas named Teodula K. Africa made the first nata de coco (fermented coconut gelatin) in 1979. "

Online Resources
© copyright 2012 www.science.ph. All rights reserved.

Login