latest news

Unang kaso ng EV-71 sa Pilipinas, naitala ng DOH

Friday, July 20, 2012 07:54 AM    Views : 515by:GMA News

Kinumpira nitong Biyernes ng Department of Health ang unang kaso sa Pilipinas ng nakamamatay na Enterovirus 71 strain, na kumitil sa buhay ng mahigit 50 mga bata sa Cambodia.

Sa isang press conference sa Maynila, sinabi ni Health Secretary Enrique Ona na ang tinamaan ay isang sanggol na isang taon at walong buwan.

Ayon sa kalihim, nilagnat ang bata at nagkaroon ng rashes sa kamay at bibig nito.

Dagdag pa ni Ona, gumaling naman kaagad ang bata at pinauwi na rin kaagad. Wala ring nahawa sa mga kamag-anak nito.

Agad namang pinawi ni Ona ang pangamba ng publiko ukol sa nakamamatay na sakit.

"I don't think and I assure the public na ito ay hindi dapat ikabahala ng husto. Dapat alam lang ng publiko," sabi ni Ona.

Paglilinaw din ni Ona, hindi pa nakalalabas ng bansa ang sanggol kaya hindi maaaring sabihing nahawa siya sa sakit na nanggaling sa Cambodia.

Nauna nang ipinaliwanag ng DOH na mayroong iba't ibang klase ng enterovirus katulad ng coxsackie A-16 at enterovirus 71.

Ang naturang virus ay sanhi ng mga sakit gaya ng hand, foot and mouth disease, polio, acute respiratory disease at ang kinatatakutang brainstem encephalitis na hindi pa nakikita sa bansa.

Sa ulat ng US Center for Disease Control and Prevention, ang utak umano ang target ng EV-71, tulad ng polio, at magdudulot ng muscle twitching, seizures at paralysis.

Source:http://www.gmanetwork.com/news/story/266118/ulatfilipino/balitangpinoy/unang-kaso-ng-ev-71-sa-pilipinas-naitala-ng-doh

S & T Trivia

" The reference library organized by the Bureau of Science in 1905 was considered as the “Best scientific library from San Francisco to the Suez” before its complete destruction during the closing days of the last World War. "

Online Resources
© copyright 2012 www.science.ph. All rights reserved.

Login