News

DOE, nagdaos ng mga Energy Safety Practices and Efficiency Measures seminar sa Aurora

Wednesday, October 22, 2014 12:00 AM    Views : 1437by:Joselito S. Libranda

Nagdaos kamakailan ng serye ng mga seminar ukol sa Energy Safety Practices and Efficiency Measures ang Luzon Field Office (LFO) ng Department of Energy (DOE) sa lalawigan ng Aurora bilang bahagi ng pagdiriwang ng Consumer Welfare Month (CWM) ngayong Oktubre.

Ang mga ito ay linahukan ng mga opisyal ng barangay mula Baler at Maria Aurora.

Dito pinayuhan ni Romulo Callangan Jr. ng DOE-LFO ang mga nagsipagdalo na siguruhing maayos ang tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) kung gagamitin ito at tingnan kung walang leak ang regulator at ang tubo na daluyan ng LPG.

Ang simpleng payo na ito aniya ay malaki ang maitutulong upang maiwasan ang sunog.

Samantala, nagbigay naman ng tips si Rommel Perez sa kung paano makakatipid ng kuryente gaya ng pagpapalit sa mga incandescent light at fluorescent light ng Compact Fluorescent Lamps (CFL) o Light Emitting Diode (LED) light bulb; pagbili ng mga aircon at ref na may mataas na Energy Efficiency Ratio, at pagpapaplantsa tuwing off-peak hours o bago mag alas nuwebe ng umaga at pagkatapos ng alas nuwebe ng gabi.

Ang CWM ngayong taon ay may temang "Sapat na Impormasyon: Susi sa Wastong Paggamit ng Enerhiya.

Source:http://news.pia.gov.ph/index.php?article=611413439808#sthash.Qa81aHbN.dpuf

S & T Trivia

"

If USA has a Fourth of July, the Philippines should also have a First of July. It was on the First of July that the Science Act of 1901 also known as the Philippine Commission Act No. 156 which authorized the founding and operation of a Bureau of Government Laboratories. Dr. Paul Casper Freer was recruited as the Superintendent of the new Bureau.

"

Online Resources
© copyright 2012 www.science.ph. All rights reserved.

Login