News

Proyekto ng Food Safety Act, itutuon ng DOST sa Puerto Princesa

Wednesday, April 18, 2018 12:35 AM    Views : 312by:Leila B. Dagot / PIA

PUERTO PRINCESA, Palawan, Abril 17 (PIA) -- Naglaan ng pondong P1.3 milyon ang Department of Science and Technology (DOST) para sa pagpapatupad ng proyekto hinggil sa Food Safety Act of the Philippines (Republic Act- 10611) kung saan napili upang maging pilot area ang Puerto Princesa.

Layon nito na mai-angat ag kalidad ng mga produktong pagkaing itinitinda sa mga pamilihan sa lungsod, at matiyak na malinis ang mga inihahaing pagkain sa mga restaurant maging ang itinitinda sa tabing lansangan.

Positibo naman sa programa ang lokal na pamahalaan sapagkat ayon kay Mayor Lucilo Bayron, napapanahon na mapagtuunan ng pansin ang kalagayan ng mga pagkain itinitinda sa siyudad upang masigurong ligtas ang publiko maging ang mga turista sa posibleng sakit dulot ng maruming pagpo-proseso nito.

Ayon kay Engr. Pacifico Sariego Jr., hepe ng DOST-Palawan,  ang pagiging ‘booming tourism site' ng lungsod ang isa sa mga dahilan kung bakit itinataguyod ang proyektong ‘Food Industries and Retailers Responsible in Safety and Quality of Products for Trading Production and Consumption'.

Sa pagdami ng tao sa komunidad, kaakibat din nito ang tumataas na pangangailangan ng pagkain.

Pagtutuunan din ng programa na masuri ang kalagayan ng mga pagawaan ng mga ibinibentang pagkain.

Kabilang sa plano ng proyekto na makapag-disenyo, makagawa at makapaglunsad ng ‘good manufacturing processes food cart' at pagbibigay ng mga tulong teknikal tulad ng pagsasanay, pagbibigay kaalaman sa mga may kinalaman sa paghawak ng pagkain.

Samantala, bubuo ng komite para sa pagpapatupad ng proyekto kung saan ang punong lungsod ang siyang mangunguna rito bilang focal person, habang magkatuwang sa pagpapatupad g proyekto ang DOST, City Health Office, Department of Health (DOH)-Mimaropa.

Ang City Administrator ang magsisilbing secretariat na siyang mangangasiwa sa mga komite na binubuo ng mga kinatawan mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), food associations, Department of Trade and Industry (DTI), Sangguniang Panlungsod, City Legal Office at Joint Inspection Team ng Business Permits and Licensing Office. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Source: http://pia.gov.ph/news/articles/1006784

S & T Trivia

" In the 1970s, immunologist Eduardo A. Padlan, together with Dr. D. R. Davies, used x-ray crystallography to study the antibody, which was helpful in diagnosing cancer cells and in understanding the immune system as a whole. Ned Teves, a Filipino anesthesiologist, invented the endotracheal tube cardiac monitor. "

Online Resources
© copyright 2012 www.science.ph. All rights reserved.

Login