News

SALINLAHI SYMPOSIUM

Sunday, August 19, 2018 12:00 AM    Views : 167by:Region 2
alt

One of the student-participants, listening on the Salinlahi Symposium at River View Hotel, August 16, 2018

"Kung pangitain man ito ng muling pagkabuhay ng Science and Technology sa region, ako ay nagagalak", bungad ni Dir. Mabborang sa panimula ng kanyang mensahe.

Muling napuno ang Riverview Hotel Function Hall ng mga mag-aaral at guro mula sa iba't-ibang paaralan sa Cagayan upang dumalo sa Salinlahi Symposium na pinangunahan ng National Academy of Science and Technology (NAST) Phl, Agosto 16, 2018.

Ipinakita ng mga estudyante ang kanilang interes sa Agham sa pamamagitan ng pagsagot sa mga Science trivias na naging pakulo naman ng regional director.

Ang Salinlahi ay isa lamang sa mga kaganapan na naglalayong hikayatin ang lahat lalo na ang mga kabataan upang matuto at lumiyab ang hilig nila sa Siyensya.

"Gusto kong maging Scientist para mag-aral about animals at "gumawa"(mag-invent) ng mga bagay", bahagi ni Shela Mae Amparo ng Sta. Isabel Elementary School.

Dagdag pa ng direktor na mahalaga ang "relevant, appropriate, at vibrant na ecosystem" para sa progreso hindi lamang ng Gonzaga o ng rehiyon ngunit ng buong bansa.

"Ang DOST ay hindi titigil..ang inobasyon ay hindi dapat hihinto", diin niya.

Samantala, pinanatiling makabuluhan at kagiliw-giliw naman nina Academician Mudjekeewis D. Santos, Dr. Raphael A. Guerrero, Dr. Angel E. Encarnacion, Dr. Dixon Gevaņa, at Peter Gerry P. Gavina, mga dalubhasa sa Agham, ang nasabing aktibidad.

Source: http://region2.dost.gov.ph/index.php/334-salinlahi-symposium

S & T Trivia

" Rodolfo Arambulo of Laguna, Philippines developed Multishock, a bullet type that increases the firepower and stopping power of an ordinary gun with multiple hits in a single shot. It is considered as the first of its kind in the world. "

Online Resources
© copyright 2012 www.science.ph. All rights reserved.

Login