News

Tagalog Feature: Mga islang lalawigan, hinikayat ng PNRI na subukan ang lakas-nukleyar

Friday, January 18, 2019 12:00 AM    Views : 127by:Lyndon Plantilla

altHinikayat ni DOST-Secretary Fortunato de la Peña (kaliwa) ang mga kababayan na gamitin sa mga produkto ng Philippine Nuclear Research Institution (PNRI) sa agrikultura. Katabi ng kalihim ang direktor ng PNRI na si Dr. Carlo Arcilla. (LP/PIA-Mimaropa) 

Mataas ang kumpiyansa ng DOST Philippine Nuclear Research Institute (DOST-PNRI) na makakatulong ang nuclear power o lakas nukleyar sa pagtatatag ng suplay ng kuryente sa mga islang lalawigan gaya sa Mimaropa.

Ayon kay DOST PNRI Director Carlo A. Arcilla, ang mga small-medium scale nuclear reactor (SMR) sa bawat lalawigan ay makadadagdag sa suplay ng kuryente.

Gaya ng mga power barge, pwede ring mailagay sa mga barko ang SMR. 

Isang halimbawang ibinigay ni Director Arcilla ang bansang Rusya na nagtayo ng mga SMR sa mga isla at gumagamit ng mga  barkong kung tawagin ay Ice Breaker na nagseserbisyo sa mga karagatang Artiko (may yelo).

Mas mura ang gastusin sa barkong SMR dahil kailangan lang kargahan ng krudong nukleyar tuwing ika-18 buwan. 

Kung gagamit ng lakas nukleyar ang mga islang lalawigan, ay "bababa ang halaga ng kuryente," ani Director Arcilla.

Ang ugat ng mataas na halaga ng kuryente sa mga islang lalawigan kung tawagin ng National Power Corporation na SPUG areas, ayon pa kay Director Arcilla, ay bunga  ng kawalang kuneksyon sa pangkalahatang pinangagalingan ng kuryente: ang main power grid.

Pwede naman makabitan ng kableng pandagat ang mga islang lalawigan, subalit ang halaga ng gagastusin sa kuneksyon ay aabot sa US$10 milyon kada kilometro.

Source: https://pia.gov.ph/news/articles/1016042

S & T Trivia

" Felix D. Maramba Sr. invented the power generator fed by charcoal and coconut oil. "

Online Resources
© copyright 2012 www.science.ph. All rights reserved.

Login