News

High speed internet handog sa mga opisina ng gobyerno

Sunday, January 13, 2019 12:00 AM    Views : 106by:PMGEMINIANO

Pumirma ng isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Department of Information and Communications Technology (DICT), Transmission Corp. (Transco), at ang Benguet Electric Cooperative (Beneco) para sa implementasyon ng National Broadband Pilot Project (NBP) sa Baguio at La Trinidad, Benguet na magbibigay ng high speed internet access sa mga opisina ng gobyerno.

Sa ngayon, 11 sa kabuuang 14 initial priority government offices na mabibigyan ng internet ay nag-umpisa na.

Ito ay ang Police Regional Office-Cordillera (PROCOR); La Trinidad municipal hall; Benguet Provincial Capitol; Department of Science and Technology (DOST); Benguet State University (BSU); Benguet General Hospital (BeGH); Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) – Agromet; PAGASA Radar; Baguio City Hall; Philippine La Trinidad municipal police station; Beneco Headquarters; National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) La Trinidad substation; Baguio city police office; at ang Bases Conversion Development Authority (BCDA) sa Camp John Hay.

“Cordillera is one of the most underserved and unserved areas of other telcos (telephone companies) because of its topography. Our goal under the term of President Rodrigo Duterte is to be able to leverage electronic governance and roll out government services to the people without travelling,” pahayag ni DICT Undersecretary Denis Villorente sa pirmahang ginanap sa Beneco headquarters.

Layon ng NBP pilot project na dalhin ang internet service sa mga liblib na lugar at mahirap na mapuntahang lugar, lalo na sa Cordillera at maibigay ang serbisyo sa mga institusyon ng gobyerno.

“Not because you are located in a far-flung area does it mean that you cannot access government services, which is a big ‘no’ to the Duterte administration,” ani Villorente.

Dagdag pa niya na “the government will not wait for big telcos to roll out their infra projects, we will do our best to provide quality services and bring it to the public.”

Ang lungsod ng Baguio ay isa sa 33 tinukoy na priority growth areas ng DICT kung saan ang NBP project ay maiimplementa.

“This is our pilot project. Eventually, we will be launching projects on other sites in the whole of the Cordillera,” ani Villorente.

Samantala ay sinabi ni Alan Silor, DICT assistant secretary for operations and national program of free wi-fi in public places, na nabigyan ang mga opisina ng gobyerno ng 250 megabyte per second (MBps) internet connection na mapapabilis ang kanilang serbisyo sa publiko nang mas mabilis pa.

“Rest assured that this will be a continuing project, and we are hoping that we can expand it to other cooperatives. This is our first pilot project. We can still expand it, we just have to wait for the recommendation of NGCP and the National Electrification Administration (NEA),” pahayag ni Silor.

Sa isang press conference noong Disyembre ng nakaraang taon ay iniulat ni Beneco assistant manager Melchor Licoben na ang distribution utility ay naglatag na ng fiber optic cables sa malayong lugar gaya ng bayan ng Mankayan, Benguet na bahagi ng kanilang franchise area.

Ang fiber optic lines ay handa na para sa internet service ayon sa nakasaad sa MOA sa DICT.

Source: https://www.amiananbalitangayon.com/high-speed-internet-handog-sa-mga-opisina-ng-gobyerno/

S & T Trivia

" The Filipino doctor who co-created the drug Erythromycin (Ilosone®) from Iloilo soil was Abelardo Aguilar. "

Online Resources
© copyright 2012 www.science.ph. All rights reserved.

Login