News

Hybrid Rice Technology at CPGP bumida sa Harvest Festival

Friday, March 08, 2019 12:00 AM    Views : 178by:DOST Region2

52902763_2015536088511586_948215666698092544_n.jpg

Marso 6, 2019- Itinampok sa pagdiriwang ng Harvest Festival ng Cabatuan, Isabela ang teknolohiyang pang-agrikultura ng Department of Science and Technology na Hybrid Rice Technology at Carrageenan Plant Growth Promoter (CPGP).

Muling sinariwa ng mahigit 125 na magsasaka ang naging malaking tulong ng CPGP at Hybrid Rice Technology sa pagpapadami ng bilang o “tumama” (sa kanilang diyalekto)at pagpapataas ng kalidad ng ng kanilang ani sa Dry Season sa taong ito na naging tugon upang maibsan ang epekto ng pagbaba ng presyo ng palay.

Sinuportahan din ng aktibidad na ito ng mga ahensya na nakatuon sa pagtugon sa suliraning pang-agrikultura gaya ng Department of Agriculture (DA), Department of Science and Technology (DOST), Pamahalaang Lokal ng Cabatuan sa pangunguna ng Office of the Municipal Agriculturist, at ilang myembro ng Sagguiniang Bayan.

Samantala, nagprisenta rin ang iba’t ibang sector na tumulong sa magsasaka ng kanilang mga proyekto sa pagsasaka.

Nangako naman si DOST-PSTC Isabela Director Engr. Marcelo Miguel na gagawin ng ahensya ang abot nitong maakakya upang matugunan ang mga suliranin ng mga magsasaka sa pamamagitan ng Agham at Teknolohiya.

Dinagdag din niya na bukod sa tulong sa produksyon ng bigas ay marami pang magagamit na teknolohiyang akma sa sector ng Aquatic Resources at Animal Production.

Samantala, napag-usapan din ang bagong pasang batas na Rice Tariffication Law or RA 11203 na may layuning higpitan ang pag-aangkat at gawing abot-kaya ang presyo ng palay at bigas sa mamamayan.

Palay, Bigas, Kanin.
Tangkilikin ang Sariling Atin!

Source: http://region2.dost.gov.ph/index.php/488-hybrid-rice-technology-at-cpgp-bumida-sa-harvest-festival

S & T Trivia

" In 1947, Executive Order No. 94 was issued converting the Bureau of Science into an Institute of Science and placed under the executive supervision of the President of the Philippines. "

Online Resources
© copyright 2012 www.science.ph. All rights reserved.

Login