News
Antas ng tubig sa mga dam sa Luzon, patuloy pa rin sa pagbaba
Friday, April 05, 2019 12:00 AM Views : 503DZAR NEWSLebel ng tubig sa ilang dam sa Luzon, nabawasan pa
Nabawasan pa ang lebel ng tubig sa Angat dam.
Ayon sa PAGASA Hydrology Division, alas sais ng umaga ay bumaba sa 187.70 meters ang water level sa Angat dam.
Nabawasan ito ng 0.46 meters mula sa 188.16 meters kahapon.
Nanatili naman sa 68.49 meters ang water level sa La Mesa dam.
Bukod sa Angat dam, nabawasan din ang antas ng tubig sa Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya dam.
Source: https://sonshineradio.com/manila/2019/04/12/lebel-ng-tubig-sa-ilang-dam-sa-luzon-nabawasan-pa-2/