News

Tagalog News: LGU Odiongan, DOST-FNRI, magtatayo ng food processing facility

Monday, April 22, 2019 12:00 AM    Views : 207by:Dinnes M. Manzo

/news/images/kapihan-with-dost-01.jpg

ODIONGAN, Romblon, Abril 22 (PIA) -- Isang food processing facility ang itatayo ng lokal na pamahalaan ng Odiongan ngayong taon sa tulong ng Department of Science and Technology (DOST) at Food and Nutrition Research Institute (FNRI).

Sa ginanap na Kapihan noong Lunes ay sinabi ni Mae Angelica Fabito-Famini, Science Research Specialist II ng DOST-Provincial Science and Technology Center (PSTC) - Romblon, na ang itatayong food facility ay lalagyan ng mga kagamitan sa paggawa ng masustansiyang pagkain para sa mga sanggol at bata sa tulong ng FNRI na magsasagawa ng mga pagsasanay sa mga Barangay Nutrition Scholars.

"Yung sa FNRI kasi, meron na tayong existing project dito at i-compliment lang nila ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga equipments," pahayag ni Famini.

Ang nasabing pasilidad aniya ay ang nag-iisang proyekto ng FNRI sa lalawigan, hiwalay pa sa kanilang ginagawang regular na pagsasanay sa mga food manufacturers dito.

Malaking tulong aniya ito sa mga Barangay Nutrition Scholar (BNS) ng Odiongan dahil dagdag kita ito sa kanila; ganun din sa mga magsasaka dahil kakailanganin ng food facility ang supply ng bigas, monggo at sesame seeds.

Base sa napagkasunduan ng DOST-FNRI at LGU Odiongan, ang DOST-FNRI ang magbibigay ng mga equipments habang ang lokal na pamahalaan naman ang magpapatayo ng bagong gusali sa lupang pagmamay-ari ng LGU.

Kaugnay nito, nakapagsagawa na rin kamakailan ng ocular inspection ang mga kinatawan ng DOST FNRI sa loteng ipinagkaloob ng LGU Odiongan kung saan itatayo ang bagong pasilidad.

Source: https://pia.gov.ph/news/articles/1021073

S & T Trivia

" Roberto del Rosario invented the piano tuner's guide, the piano keyboard stressing device, the voice color tape, and the one-man- band (OMB). The OMB was later developed as the Sing-Along-System (SAS) to aid his voice students. His first model came out in the 1970s, and was copied by the Japanese who named their device the karaoke. The July 24, 1999 Philippine Daily Inquirer reported that Del Rosario filed a suit and was consequently awarded sole authority over karaoke's Philippine production. "

Online Resources
© copyright 2012 www.science.ph. All rights reserved.

Login