News

Davao Occidental at Oriental, niyanig ng magkasunod na lindol

Wednesday, April 24, 2019 12:00 AM    Views : 174by:Brigada news

/news/images/4-24-2019-155141102-quake.jpg

Niyanig ng magkasunod na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao, kaninag tanghali. 

Ang unang lindol na may lakas na magnitude of 4.5, ay tumama sa 374 kilometers southwest ng Sarangani, Davao Occidental, sa lalim na 270 kilometers. 

Pagkatapos lang ng 15-minuto ay niyanig naman ng magnitude 4.7 na lindol ang northeast ng Baganga, Davao Oriental sa layong 63 kilometers, sa lalim na 11 meters. 

Ramdam ang Intensity 1 sa Bislig City, Surigao Del Sur kung saan tectonic ang origin ng bawat pagyanig. 

Wala namang naiulat na danyos o sugatan sa naturang insidente. 

Mababatid na ito na ang ikatlong pagyanig na naitala sa bansa kasunod ng unang lindol na 6.1 magnitude na tumama sa ilang bahagi ng Luzon noong Lunes at magnitude 6.5 na yumanig naman sa Visayas, kahapon, kung saan may naitalang casualties.

Source: https://www.brigadanews.ph/article/national/Ilang-bahagi-ng-Mindanao%2C-niyanig-ng-magkasunod-na-lindol

S & T Trivia

" Camilo M. Tabalba, a Filipino engineer, headed a team to make the telephone electronic in 1970. By 1975, he published his findings, including the development of the dynamic transducer (a transmission circuit replacing the carbon transmitter). His work helped in the development of the modern Touchtone phone. "

Online Resources
© copyright 2012 www.science.ph. All rights reserved.

Login