News

Tagalog News: DOST, nagkaloob ng 10M sa Bulacan State U

Wednesday, June 19, 2019 11:25 PM    Views : 485by:Shane F. Velasco

/news/images/03.jpg

Panauhing pandangal si Science and Technology Secretary Fortunato Dela Pena (pangatlo mula kanan) sa isinagawang pagtatapos ng mga nasa kursong Inheneriya sa Bulacan State University. (Shane F. Velasco/PIA 3)

LUNGSOD NG MALOLOS, Hunyo 18 (PIA) -- Nagkaloob ng P10 milyon ang Department of Science and Technology o DOST para patinuin at pag-ibayuhin ang research and development ng Bulacan State University o BulSU.
 
Sa isang panayam sa idinaos na pagtatapos ng mga nasa kursong Inheneriya sa BulSU, sinabi ni DOST Secretary Fortunato Dela Pena na bahagi ito ng pamumuhunan ng ahensya para itaguyod ang Science, Technology and Innovation agenda ng administrasyong Duterte.

Ito’y sang-ayon sa kanyang 10-puntong Socio Economic Agenda na nakapaloob sa 2017-2022 Philippine Development Plan.

Prayoridad aniyang gastusan ng nasabing pondo ang research and development ng BulSU sa larangan ng inheneriya, agham at matematika. Binigyang diin ng kalihim na hindi basta research lang ang kailangan kung hindi high quality research na makakatulong sa pag-angat ng bansa sa Global Innovation Index.

Hinalimbawa niya ang Hybrid Electric Train na resulta ng isang matagumpay na research and development ng Metals Industry Research and Development Center. Ito ay unang ipinakilala sa publiko noong Hunyo 2016 at ngayo’y ginagamit na ng Philippine National Railways sa biyaheng Alabang hanggang Calamba. 

Samantala, nag-alok din si Dela Pena sa mga nagsipagtapos ng kursong inheneriya sa BulSU na kapag nakakuha at nakapasa sa pagsusulit para sa lisensiya sa pagka-inhinyero, na kumuha na rin ng masteral sa nasabing propesyon at magbibigay ng scholarship ang DOST para rito. (CLJD/SFV-PIA 3)

Source: https://pia.gov.ph/news/articles/1023348

S & T Trivia

" Dr. Nic Liquido pioneered the research on light-activated dyes that control many fruit flies. He is a University of the Philippines (UP) alumnus and former lab director of the US Dept. of Agriculture (USDA) Research Service. "

Online Resources
© copyright 2012 www.science.ph. All rights reserved.

Login