News

Tagalog News: DOST, tutulungan ang mga kooperatiba sa Bayugan City

Thursday, September 26, 2019 11:05 PM    Views : 112by:Philippine Information Agency

/news/images/pia1569400723.jpg

LUNGSOD NG BUTUAN, Setyembre 25 (PIA) -- Nais ng Department of Science and Technology (DOST) na matulungan ang mga kooperatiba sa lungsod ng Bayugan, dahil madalas ay single proprietorship at maliliit na korporasyon ang kanilang nabibigyan ng tulong teknikal at pinansyal.

Ayon kay DOST Sec. Fortunato Dela Pena, malaki ang potensyal ng mga kooperatiba na umusad at mas mapalawak pa ang kanilang produkto gamit ang makabagong teknolohiya, hindi lamang sa lungsod pati na sa ibang lugar.

"Patuloy ang ating koordinasyon kasama ang lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya upang matulungan din natin ang mga kooperatiba ditto sa Bayugan City," sabi ni Sec. Dela Pena.

Lubos naman ang pasasalamat ng lokal na pamahalan sa patuloy na koordinasyon ng DOST upang masiguro ang pagbigay ng mga magagandang oportunidad sa lahat ng sektor ng lungsod.

Hinimok rin ni Mayor Kirk Asis ang lahat ng kabataan na maging aktibo sa paglahok sa mga kompetisyon na may kinalaman sa Science and Technology.

Susuportahan ng lokal na pamahalaan ang mga kabataang lalahok dito at bibigyan ng pinansyal na ayuda. May nakalaang budget umano ang local government unit para dito.

"Suportado naman ng lokal na pamahalaan ang mga aktibidad na tumutugon sa kapakanan ng mga kabataan at mag-aaral dito sa Bayugan City," pahayag ni Mayor Asis.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Sec. Dela Pena na mahalaga ring matulungan ng lokal na pamahalaan ang mga kabataang nais mag-review para sa DOST examinations tulad ng Philippine Science High School Exam, maging sa mga mag-aaral na gustong lumahok sa Math, Chemistry at Science quizzes, at mga inbentor sa lungsod na lalahok din sa mga kompetisyon. (JPG/PIA-Agusan del Sur)

Source: https://www.manilanews.net/news/262532386/tagalog-news-dost-tutulungan-ang-mga-kooperatiba-sa-bayugan-city

S & T Trivia

" Diosdado Banatao, an engineer from Cagayan, Philippines, pioneered graphics acceleration, introducing the world's 1st graphical user interface (GUI) accelerator. He also contributed designs like the ethernet, a networking protocol plugged into PCs. Asian-Indian Vinod Dham made the Pentium chip for Intel and the K6 processor for AMD. "

Online Resources
© copyright 2012 www.science.ph. All rights reserved.

Login