News

Tagalog News: 81 MSMEs, lalahok sa ikatlong CARP Likha ng Central Luzon Trade Fair

Tuesday, November 19, 2019 12:00 AM    Views : 20by:Marie Joy S. Carbungco
05.jpg

Hinikayat ni Department of Trade and Industry o DTI 3 Regional Director Judith Angeles (ikalawa mula sa kaliwa) ang suporta at pagtangkilik ng publiko sa mga kalahok sa ikatlong CARP Likha ng Central Luzon Trade Fair na gaganapin sa Marquee Mall sa Lungsod ng Angeles mula Nobyembre 21 hanggang 24. (Marie Joy S. Carbungco/PIA 3)

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Nobyembre 18 (PIA) -- May 81 micro, small and medium enterprises o MSMEs ang lalahok sa ikatlong Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP Likha ng Central Luzon Trade Fair.

Sa 81 kalahok, 58 ang nasa negosyo ng processed foods; 9 sa gifts, decors and houseware; 6 sa organic and natural products; 4 sa home furnishing at 4 sa wearable and homestyles.

Ayon kay Department of Trade and Industry o DTI Nueva Ecija Provincial Director at Regional CARP Manager Brigida Pili, ang Pampanga ang may pinakamaraming bilang ng mga kalahok sa trade fair na may 20 MSMEs kasunod ng Bataan na may 14; Tarlac-13; Bulacan-11; Nueva Ecija-10; Zambales- 7 at Aurora-6.

Aniya, target nilang makabenta ng 1.8-milyong piso o tig-20,000 piso kadaexhibitorara sa buong trade fair.

Samantala, inanyayahan naman ni DTI Regional Director Judith Angeles ang publiko na bumili at suportahan ang mga lokal na produkto dahil ang pangunahing layunin ng trade fair ay maiugnay ang mgaexhibitorssa merkado upang mas mapalaki ang kanilang kita habang itinataguyod ang pinakamahuhusay na produkto ng rehiyon.

Aniya, benepisyaryo din ng ibat ibang serbisyo ng DTI ang mga kalahok sa trade fair tulad ng SME Roving Academy, Shared Service Facilities, Kapatid Mentor Micro Enterprises at iba pa upang matiyak na ang mga produktong ibebenta nila ay de-kalidad.

Ang CARP Regional Trade Fair 2019 ay programa ng CARP program Management Office ng DTI sa pakikipag-ugnayan sa Department of Agrarian Reform, Department of Science and Technology, mga lokal na pamahalaan, at mga MSME development council.

Gaganapin ito sa Nobyembre 21 hanggang 24 sa Marquee Mall sa lungsod ng Angeles. (CLJD/MJSC-PIA 3)

Source:https://pia.gov.ph/news/articles/1030340

S & T Trivia

" Two Filipino inventors scored a pair of gold medals in the International Invention, Innovation, Industrial Design and Technology Exhibition (ITEX 2000) held in Kuala Lumpur, Malaysia in September 2000. Engr. Cornelio Seño of Los Banos, Laguna and Rolando dela Cruz garnered golds for their inventions called, respectively, "Pressure Fluid Machine" and "Topical Formulation in Removing Warts, Moles and the Like Using Cashew Nuts (Annacardium occidentale)." Dela Cruz spent 25 years of research for his winning cashew nut preparation known as Dewart and Demole. Seno has four US and four Philippine patents under his name. "

Online Resources
© copyright 2012 www.science.ph. All rights reserved.

Login