News

Top 6 sa Geology board exam, tubong Abulug, Cagayan

Thursday, November 21, 2019 12:00 AM    Views : 104by:Philippine Information Agency
pia1574188723.jpg

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Nobyembre 19 (PIA) - Binaha man sa mga nakaraang linggo ang bayan ng Abulug dito sa probinsiya, good news naman maituturing na isang Abulugueno ang pagkasungkit niya sa ika-anim na pwesto sa katatapos na Geology Board exam.

o mas kilala sa tawag na "Ago" ay nagtapos bilang cum laude mula sa University of the Philippines Diliman sa kursong geology.

"Natutuwa naman po ako madaming pumasa sa amin. Di naman ako naghangad na mag-top, kahit pumasa lang masaya [na ako]," aniya.

Tubong Lucban, Abulug, ibinahagi ni Ago na kumuha siya ng kursong geology dahil naengganyo siya sa mga bumisitang taga-Phivolcs o Philippine Institute of Volcanology and Seismology noong ito'y nag-aaral pa lamang sa hayskul sa Apayao Science High School. Nagtapos siya dito bilang Valedictorian.

Maliban pa diyan, nagpapasalamat siya sa Department of Science and Technology (DOST) sa pagiging scholar niya.

Nagtapos din siyang Valedictorian noong elementarya sa Lucban Elementary School sa nasabing bayan.

"Ang payo ko sa mga kabataan, i-pursue niyo ang gusto niyong course," ika niya.

"Sana mas madami pa ang kumuha ng kursong geology dahil sa mga bagyo at lindol na nararanasan natin ngayon," dagdag niya.

Sa ngayon, interasadong maging bahagi ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) o PHIVOLCS si Ago kapag papalarin. (MDCT/PIA-2)

Source: https://www.manilanews.net/news/263128802/top-6-sa-geology-board-exam-tubong-abulug-cagayan

S & T Trivia

" In 1947, Executive Order No. 94 was issued converting the Bureau of Science into an Institute of Science and placed under the executive supervision of the President of the Philippines. "

Online Resources
© copyright 2012 www.science.ph. All rights reserved.

Login