News

Kakainin Tayo ng Buhay! at Asian Nuclear Renaissance Nagsimula Na, Pilipinas Kulelat!

Tuesday, December 06, 2011 12:00 AM    Views : 1167by:MICHAEL N BALAGUER

 

Animo'y isang dugong dumadaloy at nagbibigay buhay sa isang bansa ang kanyang Saligang Batas. Pangunahin itong pinananaligan at pinagbabatayan sa mga alituntuning sinusunod ng isang bansa gayundin ay nagsisilbing basehan ng kanilang mga kodigo pang kriminal at sibil hanggang sa kaliit liitang libel ng kanilang lipunan. Kadalasan pa nga ay nagiging dahilan ito ng pagbuo o sa maraming pagkakataon ay paghiwa hiwalay ng isang nasyon dahil daw ang pagsalangsang o pagbabago dito ay sumasagka sa kanilang soberenya bilang isang malayang bansa.

Kasaysayan na ang naging saksi sa mga ganitong sitwasyon gaya ng Digmaang Sibil ng Amerika noong 1700's kung saan ipinagtanggol ng Northern States ang kanilang Declaration of Independence at ang Saligang Batas na nagtatakda na dapat ay i-abolish ang slavery na mariing tinututulan ng mga Southerners na Pro-Slavery kaya ang resulta ay isang madugong digmaan.

Sa bansa ngayon, tila huwag naman sanang mauwi sa sitwasyong kailangan pa nating magdigma sa isa't isa, sapagkat napipintong i-retoke ang napakaraming probisyon ng ating nuon pa ay retokado ng Saligang Batas. Napakarami nang naging Revisions at Alterations ng ating Saligang Batas pero ang karamihan dito ay hindi naman raw naa ayon sa ating interes ayon sa isang abogadong source ng manunulat.

Isa umano ito sa dahilan kung bakit kailangan na naman na may baguhin sa ating Saligang Batas, mga probisyong ekonomiko o yaong mga probisyong makaka apekto ng ditekta sa tyan nating Pinoy ang binabalak baguhin ng mga mambabatas natin na ang karamihan ayon sa source natin ay mga mayayaman ay may tuwiran o di tuwirang kaugnayan sa mga dayuhan o sa dayuhang interes.

Economic Provisions lang? hindi lang yan! dahil malaki ang magiging impact nyan sa karaniwang mamamayan, halimbawa ay ang pagmamay ari ng lupa, balak nilang bigyan ng karapatan ang dayuhan na magkaroon ng 100% ownership sa mga lupa sa bansa, iri repeal na nila ang 60/40 rule na ngayon nga lang ay na a abuso na, lulubusin pa nila at isandaang porsyento nang pag aari ng dayuhan ang isang property sa bansa ayon sa panayam kay Gabriela Womens Partylist Representative Emmi De Jesus na isa sa mga mariing tumututol na baguhin ang Saligang Batas.

Dagdag pang pahayag ng kongresista sa panayam ng manunulat ay hi na raw papayag ang mga proponents ng constitutional convention o kahit constituent assembly dahil sila sila na lamang ang gagapang para sa mga ammendments na nais nila gaya ng mga naunang nabanggit.

Sa kabilang banda, nakasaad naman talaga sa lahat ng bersyon ng Saligang Batas natin, mula nuong 1935 constitution, 1973, at itong 1987 ang probisyong maaring mag dagdag o magbawas  o magretoke ang ating mga butihing mambabatas ng mga probisyon sa ating Saligang Batas dangan lamang ang titututulan ng ating ilang mambabatas ay tila di na maka Pilipino ang mga probisyong balak nilang i-retoke.

Sa linya ng Media, balak na maglagay ng probisyon upang mag ari ang mga dayuhan media entities sa bansa o maalwang makapasok ang foreign  media corporations sa mainstream media na sinasabing literal na kakainin ng buhay ang local Media industry dahil di hamak na mas may malalaking puhunan ang mga ito kaysa sa lokal na media corporations.

Sa huli, tila ipinagkikibit balikat lamang ng ilan ang kahalagahan ng nasabing iniisyu ng nasabing mga mambabatas at kanilang mga kapanalig ngunit kung ating iisiping mabuti ay malaki ang kaugnayan nito sa ating pagka Pilipino, tunay na di kailangang magpabaril sa luneta para maging bayani gaya ni Rizal, kaya sa maliit na paraan nating kailangang tutulan ang isinusulong na pagbabago sa ating Saligang Batas na may kulay Pulitikal at hayagang kontra Pilipino, gawin na natin ngayon dahil pagnagtagumpay sila, tiyak na kakainin tayo ng buhay ng mga dayuhan sa sarili nating bayan. isang sitwasyon na di dapat mangyari dahil mawawala na ang ating soberenya at pagiging isang malayang bansa.

 

ASIAN NUCLEAR RENAISSANCE NAGSIMULA NA, PILIPINAS KULELAT

Pinakamataas na ang singil sa kuryente sa bansa, sinasabi ng mga dalubhasa di lamang mga siyentista kundi mga ekonomista rin sa Europa, Amerika o maging sa ilang kapit-bansa dito sa asya na pagnagpatuloy ang ganitong trending ay tiyak lalong kokonti ang mag i invest sa bansa dahil halos lahat ng pangangailangan ng mga industriya maging manufacturing, software, teknikal at logistics ay kailangan ng kuryente. Ang pangangailangang ito at tila di kayang batain ng mga dayuhang nais mag invest pero limitado ang kapital, ang siste ay lilipat na lamang sila sa mga bansang mura ang singil sa kuryente. Aminado ang Department of Energy sa International Trend na lahat ng mga bansang may Nuclear Program na tumutugon sa Power Generation ay “mura ang kuryente” at dahil mura ang singil rito, nagiging maalwan rin ang pasok ng investment na nagbibigay daan sa dagli o agarang pagsulong ng ekonomiya ng nasabing bansa kumpara sa mga bansang gaya ng Pilipinas na hanggang leeg ang singil sa kuryente.

Sa Asya, halos iilan lamang ang walang Nuclear Program patungkol sa Power Generation, at ang mga ito naman ay may deposito ng langis o coal kaya wala silang problema sa power. Ang mga bansang Indonesia at Brunei Darussalam ay walang Nuclear Program tungkol sa Power Generation pati ang Malaysia dahil may mga deposito sila ng Langis, Coal at Natural Gas na kanilang ini export pa. Isang OPEC (Organisation of Oil Exporting Countries)member ang Indonesia pero ayon sa kasalukuyang mga datos, mariing ini explore na nila ang posibilidad na mag construct ng mga nuclear plants para i augment sa kanilang power grid.

Sa Vietnam, may dalawang ginagawang Nuclear Power Plants kontra sa mga impormasyong nagsasabing pinag iisipan pa lang ng Vietnamese Communist party na itayo ang mga ito limang taon mula ngayon. Sinasabi ng source ng pahayagang ito na  sakaling matapos ang nasabing proyekto pihadong aangat ng doble o magiging triple ang paglago ng umuusbong na ekonomiya ng Vietnam. Matatandaang nuong binabalak pa lang itayo ang Kore 2 (ang kakambal ng ating Bataan Nuclear Power Plant) sa Korea, wala pang istruktura ay nagkukumahog na ang mga investor maging koreano o dayuhan nuon na magtayo ng negosyo na ngayon ay kanila ng tinatamasa ang bunga ng nasabing desisyong pulitikal.

May Siyam (9) na Nuclear Power Plant for Power Generation ang kapirasong bansa sa ulo ng ating Mapa (ang Taiwan), isang industrial at agricultural powerhouse. Pagkapapos ng Fukushima Accident sa Fukushima Daiichi Power Plant sa Japan, agad na nagtayo ng dalawang planta ang mga Hapones kapalit nito ayon sa NHK, isang television Network ng nasabing bansa.

Naku ha, kaya ng mga Hapon yan, hindi kami namumrublema dyan, narito kami para magbakasyon ayon sa nakasabay kong Pinay na may asawang hapones nuong kasagsagan ng Nuclear Accident sa kanilang bansa. Sa paglilinaw, kanyang sinabi na hindi sila nababahala sa naganap na aksidente dahil sa disiplina ng mga hapones, kaya nilang hawakan ang sitwason at ngayon nga ay patuloy nilang tinitiyak na ligtas ang mga nasa paligid ng pinangyarihan ng nasabing aksidente at wala namang namatay o nagkasakit pati ang isang opisyal ng gobyernong hapones na publicly ay uminom ng contaminated water daw ng power plant.

Kamakailan ay nanggaling sa bansang China ang Pangulo ng Philippine Society of Mechanical Engineers (PSME), kabilang sa mga ito ay ang ilan sa ating mga dalubhasang Nuclear Engineers. Ayon sa kanilang trip batay na rin sa pahayag nila sa pahayagang ito, maraming itinatayong Nuclear Power Plant ang mga Intsik ngayon, ayon kay Dr. Alumanda Dela Rosa ng Philippine Nuclear Research Institute ng Department of Science and Technology (PNRI-DOST) higit 20 ang mga plantang itinatayo ng mga intsik.

Sa pagdiriwang ng 39th Atomic Energy Week ng PNRI-DOST na maqy temang Nuclear Energy: Challenges and Opportunities, kasama sa kanilang mga proyekto at programa ngayong taong papasok ay karagdagang pagte train sa ating mga nuclear engineers, technicians and scientists upang makatulong sa industriya, medisina, agrikultura at produksyon pero sa nakikita ng mga PSME's maaring maging sanhi lang na naman ito ng brain Drain para sa atin kung saan isasadlak na naman ng ating pamahalaan ang ating mga dalubhasa sa pagpapa alila sa ibayong dagat dahil wala tayong oportunidad dito sa bansa.

Tiyak na kukunin ng China ang ating mga Nuclear Experts para i-operate ang kanilang mga planta. Kung may Nuclear Plant sa Pilipinas duon na ako magtatrabaho, makakasama ko pa ang pamilya ko sabi ni Wahid Rahman Iqbal, isang Pilipinong Mechanical Engineer na nagtatrabaho sa isang Nuclear Facility sa Islamic Republic of Iran, isang bansang ginigipit ngayon dahil ipinipilit na may nuclear weapons umano.

Di magtatagal ay magtatayo na rin ng kani kanilang Nuclear Facilities for Power Generation Purposes ang mga micronesian islands na Palau at Guam lalo na ngayong naroon ang Pacific Fleet ng United States of America kung saan naka dock ang kanilang malalaking Aircraft Carriers an Nuclear Powered gaya ng USS Enterprise (kapangalan nuong sa TV series na Star Trek).

Tama na maraming aplikasyon ang Nuclear o atomic Energy at ang pagkatuto sa mga teknolohiyang ito ay isang plus para sa mga bansang walang nuclear program gaya ng bansa. Sa medisina, ang mga ginagamit na Cobalt Treatment para sa cancer at x-ray pati ang Magnetic Resonance Imaging (MRI) ay tinatawag na Nuclear Medicine dahil gumagamit ito ng nuclear radiation, gayun din ang testings tungkol sa water treatment at electron beam processes sa industriya ngunit para sa maraming lugar sa bansa na walang kuryente, para sa mga lugar na may kuryente nga pero limitado ang suplay, para sa bansang gaya natin na umaasa pa rin sa patuloy na paglalaro ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan, dalawa lamang talaga ang tunay na Renewable Sources of Power.

Ang mga ito ay ang Biomass o pagha harnessed ng Methane buhat sa ating mga basura at septic tanks para sa power generation into massive and industrial scale at ang mas murang alternatibo, ang pagkakaroon nng Nuclear Facility for Power Generation para maibsan ang gutom ng ating mga kababayan dahil imbes na ibili ng pagkain ay ibabayad lang sa mahal na singil ng kuryente.

Matagal nang nagsimula ang tinatawag nilang Asian Nuclear Renaissance. Ito'y nuong nagsimulang maisip ng mga lider ng mga bansa sa Asya na lagutin ang tanikala ng kahirapan sa pamamagitan ng pagtatayo ng nuclear facility para makalikha ng murang kuryente at di magdepende sa fossil fuel, dahil tila walang political will ang pamahalaan para igiit na kailangan maibsan ang gutom ng mga mamamayan at agad na makapasok ang mga dayuhang imbestor na makapagbibigay ng trabaho sa madla sa larangan ng manufacturing atbp na kailangan ng tulong ng murang kuryente, tiyak kuletat na naman ang bansa sa bahaging ito at pihadong hindi magtatagumpay ang lahat ng pagnanais ng mga Makabayan, Maka-Masa at Maka-Pilipinong sektor kumpara sa iilang tinatawag na anti-science, anti-progress at anti-people proponents na pinangungunahan ng mga sektor relihiyon na ang layunin ay mapanatiling mahirap ang Pilipino at sila ang sambahing parang diyos sa kabila ng hayagang pangungulimbat nila sa mga ito gamit ang doktrina at tradisyon.

 

Source: http://www.zambotimes.com/archives/40157-Series-of-earthquakes-hit-Mindanao-cities.html

 

S & T Trivia

" In the 1970s, immunologist Eduardo A. Padlan, together with Dr. D. R. Davies, used x-ray crystallography to study the antibody, which was helpful in diagnosing cancer cells and in understanding the immune system as a whole. Ned Teves, a Filipino anesthesiologist, invented the endotracheal tube cardiac monitor. "

Online Resources
© copyright 2012 www.science.ph. All rights reserved.

Login