News

UN pinuri Pilipinas

Tuesday, December 04, 2012 08:38 AM    Views : 168by:Libre

Pinuring na "best in the world" ang mga batas ng bansa sa climate change adaptation (CCA) at disaster risk reduction (DRR), sinabi ni UN special envoy Margareta Wahlström kahapon.

Pinuri ni Wahlström, special DDR representative ni UN Secretary General Ban Ki-moon, ang Pilipinas para sa pangunguna sa pandaigdigang kampanya na bawasan ang bantang dulot ng global warming.

Tinukoy niya si Sen. Loren Legarda, ang UN Champion for DRR and CCA for Asia and the Pacific, para sa pagtitiyak na maipapasa ang mga batas hinggil sa klima, at ilahok sa adyenda ng pambansang pulitika ang mekanismong CCA at DRR.

"You do have now an excellent legal framework for disaster risk reduction and excellent legal framework for climate adaptation. The basis (of the laws) is really for empowering local governments," ani Wahlström sa isang press conference.

Aniya, tampok sa mga batas ang pagpapalit ng patakaran mula sa "reactionary" sa pagiging "proactive" sa pagtugon sa suliranin.

Tinukoy ang mga batas na Climate Change Act of 2009 (Republic Act No. 9729), na bumuo sa Climate Change Commission, at Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 (RA 10121).

Mula nang dumating nitong Martes, tinagpo ni Wahlström ang mga opisyal ng pamahalaan, negosyante at mga donor. Mananatili siya sa Pilipinas hanggang sa Mayo 5 upang hikayatin ang pamahalaan at pribadong sektor na patatagin ang mga hakbang ng bansa sa pagharap sa mga sakuna. "We are here to really sustain engagement in the Philippines," aniya.

Source:http://www.libre.com.ph/news-a-events/current-news

S & T Trivia

" Flying in 1954 at the Manila International Airport, the airplane with an engine using alcohol was invented by Dr. Gregorio Zara (born on March 8, 1902). He also made the TV-telephone (videophone), a device that enables callers to view each other onscreen. "

Online Resources
© copyright 2012 www.science.ph. All rights reserved.

Login